http://instagram.com/donnabelitahh/
Wednesday, January 29, 2014
Wednesday, January 22, 2014
BABALIK KA RIN
Trycicle,
dyip, bus, bisikleta, tren at kung anu-ano pang pampublikong uri ng transportasyon.
Hindi na iba sa ating mga Pilipino ang sumakay sa mga sasakyan na ito
araw-araw. Kung hindi naman gaanong kalayuan ang iyong pupuntahan, tiyak na
makakatulong ang mga sasakyang ito. Ngunit paano kung napag-desisyunan mong
magpunta sa ibang bansa? Dito na natin tatawagin ang tulong ng Eroplano. Isa
din sa mga pampublikong transportasyon na madalas ding ginagamit ng mga
Pilipino sa paglabas at pagbalik ng bansa.
Dito
sa Pilipinas ay marami tayong mga paliparan na bukas para sa lahat. Isa na sa
pinaka-nagagamit ay ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Dahil nga sa isa ito sa mga lugar na hindi nawawalan ng mga pasahero sa bawat araw
ay hindi na rin nakapagtataka na ang mga kagamitan at ang mismong lugar ay niluma
na ng mga taong gumagamit nito. Hindi na biro ang tatlumpu’t dalawang taon ng
pagkakatayo nito dito sa ating bansa. At sa tatlong dekada na ito ay hindi rin
gaanong napapansin ng kinauukulan ang mga imprastraktura na maari na lang
bumagsak sa ating harapan kapag tayo ay nasa nasabing lugar. (GMA News,
gmanetwork.com)
Kung
nakakapagsalita lamang ang NAIA Airport, marahil ay samu’t saring hinaing na
ang ating maririnig dito. Kaya naman ako ay lubusang natuwa nang malaman ko na
magsisimula na rin sa wakas ang pagsasa-ayos ng pasilidad at mga sirang
kagamitan sa nasabing paliparan. Kung matatandaan natin ay binansagan ang NAIA
Terminal 1 bilang “World’s Worst Airport ” noong 2011 na nagpatuloy hanggang 2013.
Ngayong 2014, sa palagay ko ay atin ng bibitawan ang bansag na ito sapagkat
naglaan ang gobyerno ng P1.299 bilyong
piso sa rehabilitasyon ng nasabing lugar. Simula bukas, January 23 ay magsisimula
na ang DMCI Corporation sa pagsasa-ayos nito. (GMA News, gmanetwork.com)
Hindi
natin kailangang makarinig pa ng mga reklamo tungkol sa hindi pagkakaroon ng
de-kalidad na pasilidad, mas maayos na imprastraktura at mga gumaganang
kagamitan bago natin gawan ng aksyon problemang ito. Totoong maraming mga ibang
bagay at lugar pa ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno gaya ng
pagsasa-ayos ng mga nasirang imprastraktura at daan dulot ng iba’t-ibang
kalamidad, ngunit totoo rin na kailangang bigyang pansin ang pagpapa-ayos ng
NAIA Terminal 1. Isipin na lang natin na ang ating mga paliparan ang pintuan ng
ating bansa. Hindi lamang tayong mga Pilipino ang nakakakita at gumagamit ng
lugar na ito kundi pati na rin ang ibat-ibang mamamayan mula sa iba’t-ibang
lugar. Kung ganoong klase ng pasilidad ang maaabutan nila, mga surveillance camera
na bilang lang ang gumagana, mga masikip na daanan ng mga sasakyan, mga sirang
palikuran at marurupok na mga kisame , mababanggit pa kayan nila ang mga
salitang “It’s more fun in the Philippines?” Baka ito pa ang maging dahilan
kung bakit hindi na sila muli pang bumalik dito sa ating bansa. (abs-cbnnews.com)
Kung
talagang minimithi ng ating Pangulo ang matuwid na daan, dapat lang na hindi
mga literal na daan ang bigyang pansin nito. Nararapat na maibalik ang dating
larawan at magandang imahe ng isa sa mga matayog na paliparan dito sa ating
bansa. Sadyang hindi madaling matapos ang pagsasa-ayos dito. Likas naman sa mga
Pilipino ang pagkakaroon ng malikhaning utak. Kung maiisipan man ng gobyerno at
kung paglalaanan ng mas malaking pondo, hindi malayong mabaliktad ang bansag sa
atin na “world’s worst airport” sa “world’s most beautiful airport.” Anong
malay natin hindi ba? Hindi masamang mangarap lalo kung ikabubuti ng ating
bansa. Ngunit sana hindi lang hanggang pangarap, kumilos din nawa ang mga taong
responsable sa bagay na ito. Tayo bilang mga Pilipino ay tiyak na masisisyahan
sa oras na dumating ang araw na tayo na mismo ang gagamit sa paliparang ito.
retrieved from: http://www.gmanetwork.com/news/story/341084/economy/companies/dotc-awards-naia-1-rehab-to-dmci-gives-dec-1-2014-deadline JANUARY 22, 2014
SOURCES:
Tuesday, January 7, 2014
VIDEO BLOG
Hi! Nakakahiya tong video ko. Pero nag-enjoy akong gawin :D Emzori for the face and the voice :D HAHAHA. Epic pa, nakanganga. HAHAHA
Subscribe to:
Posts (Atom)