http://instagram.com/donnabelitahh/

Saturday, August 9, 2014

Para maayos o para matapos?

Hi! Idk kung paano kita makakausap habang andami kong gustong sabihin. Tinatawagan kita, tinetext pero walang reply. Well baka yun yung consequence ko sa nagawa ko sayo. But to be honest, I'm not sorry for what I've done. Kahit na sinabe ko sayo na mahirap para sakin yun, yun yung naramdaman ko. Yun yung sinabe ng puso at isip ko nung tumayo ako. Bigla akong nagalit. Bigla akong nainis. Nakadagdag pa yung mga pinakita mong sugat. Pagod ka nga, ganun pa. Oo naiintindihan kong pagod kana tlaga nung gabing yun. Pero gaya nga ng pilit kong iniinsist, NA MABABAW NA DAHILAN, pagpapahalaga nalang sa minutong nattira yung hinihingi ko. Tapos na, wala na tayong magagawa. Pati yung lakad natin kinabukasan, napurnada.

Ganyan yung naramdaman ko kagabe. Galit. Inis. Asar. -_- Hindi ko alam kung naiintindihan mo pa ko. Kung bakit ko nasabing makasarili ka at kung ano-ano pa. Pero pag si Donna nagalit, lilipas din yan. Kahit gaano pa kalaki yung kasalanan mo, kinabukasan okay na. Lambingin mo lang ako.

Kinabukasan. Nagtext kang hindi kana makakpunta sa date naten. Okaaaaay. Hindi mo sinsagot tawag ko. Kaya nagtext nalang ako na kahit saglit mag-usap na lang tayo. Ayaw mong makipagkita dahil sabe mo, baka makipag-break ka kapag nakita mo ko. </3 First Time ever sa history naten na may nakapagsabi ng ganun (meron man dati, alam naman natin pareho na hindi matutuoy) pero ngayon, iba yungpakiramdam ko. Feeling ko, seryoso ka na dito.

Hindi ako nakakain kakatawag kakatext kakahintay ng reply mo. Inanalyze ko mga nangyare, oo mali ko naman talaga dahil kahit kelan, napakababaw kong tao. Nagtext kang hindi mo na kaya. Na ayaw mo na. Tinanong kita kung yung relasyon ba natin yung tinutukoy mo. Hindi kana nagreply. Pinapunta kita ng bahay, nagbakasakali akong pumayag ka. Hindi din naman.

Hindi ko to tinatype para malaman ng ibang tao. Gusto ko lang malabas yung narramdaman ko. Mahal kita. Kahit nagagalit ako, hindi ko naisip na hiwalayan ka. Pero ngayong sayo na naggaling, baka oras na nga para bitawan na kita. Hindi ko man gusto, masakit man at alam kong hindi ko kakayanin, baka kailangan ko ng gawin kasi mas masakit para sakin ung mahirapan at masaktan ka ng dahil lang din sakin.


Ayaw kong ako ang makpagbreak dahil alam kong hindi ko talaga kaya. Nakihiga lang ako buong maghapon. Inaalala ka. Hindi ko kaya :( Mugtong mugto na yung mga mata ko (hindi pa tayo naghhwalay niyan ah. Ano pa kaya kapag mangyare na? :( ) Nagbukas ako ng radyo, sunod na tumugtog yung let me be the one. Masaya ka pa kaya sakin? Bka kaya hindi mo nasasabe na ayaw mo na dahil iniisip mo yung nararamdaman ko? Huwag. Alam ko naman na alam mo yung mangyayare sakin kapag hiniwalayan mo ko. Hwag mong isipin yun. Gusto ko ngayon, pahalagahan mo ung desisyon mo. Magdecide ka ng hindi kita pinipilit. Dahil mas masasaktan ako. </3 :(

Hindi ko alam kung ano na yung mga tumatakbo sa isip mo. Gusto kong maayos syempre. Yung mga nangyare baka nadala lang ako sa naramdaman ko kaya ko nagawa. Hindi ko kaya. Magmuka man akong desparada sa paningin ng iba, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka MARKO GARLAN :( Hindi ko alam kung paano ipapagpatuloy yung mga araw na darating kapag wala kana sa tabi ko. Kasi lahat ng bagay, lugar at kung ano ano pa, ikaw yung maaalala ko. Ikaw yung nakakakilala sakin ng sobra. Yung tanggap ako. Ayoko ng maghanap ng iba at magsimula ulit. Masaydong malaki yung part mo sa buhay ko. Ikaw na yung buhay ko.

Hwag, hwag kang magpapadala sa mga sinsabe ko. Kung nahihirapan ka na talaga, kung pagod ka na talaga wala na akong magagawa dun. Kasalanan ko naman. Basta ako, nandito lang ako. Kung ano man mging desisyon mo, kung ano man ung matamdmaan mo, tatanggapin ko :) :(


Bukas magkkita tayo para sa thesis. May kasama tayong ibang tao. Hindi ko alam kung kaya ba kitang malapitan bukas. Hindi ko alam kung matatapos ba ung araw nang hindi na tayo nagkaayos. Hindi ko alam. Sana bukas, hindi mugto mga mata ko. Sana magkaayos na tayo.

Tinext kita sabe ko magusap tayo. Sabe mo para saan? Sagot ko, para maayos o para matapos. Binura ko yung para matapos kasi ayokong mangayare. Pero tinype ko ulit siya kasi ayokong maging mkasarili na baka ayaw mo na, pinipilit ko nalang. Isesend ko na, binura ko ulit. Hindi ko talaga kaya baby e. </3 Para maayos sabe ko.  Hindi ka nagreply.


Tapos na to. Ineedit ko nalang yung mga typoerror, bigla kang nag gm. Nasa padis ka pala. Ansaya naman :)