http://instagram.com/donnabelitahh/

Tuesday, March 4, 2014

Dekonstruksyon sa Tula

SA PAMILIHAN NG PUSO
Ni: Jose Corazon de Jesus

Huwag kang iibig nang dahil sa pilak
pilak ay may pakpak
dagling lumilipad
pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.

Huwag kang iibig nang dahil sa ganda
ganda’y nagbabawa
kapag tumanda na
ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba.

Huwag kang iibig sa dangal ng irog
kung ano ang tayog
siya ring kalabog
walang taong hindi sa hukay nahulog.

Huwag kang iibig dahilan sa nasang
maging masagana
sa aliw at tuwa
pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya...

Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo
at mahal sa iyo
kahit siya’y ano,
pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.

Kung ikàw’y masawi’y sawi kang talaga
ikaw na suminta
ang siyang magbata;
kung maging mapalad, higit ka sa iba.

Sa itong pag-ibig ay lako ng puso
di upang magtubo
kaya sumusuyo
pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.


Pumili ako ng teoryang aakma sa aking napiling tula. Ang tulang ni Jose Corazon de Jesus ay magandang i-analisa sa paraang pinakasimple at mauunawaan dahil na rin sa mga salitang kaniyang ginamit. Kaya naman ang aking teoryang gagamitin ay ang Teoryang Pormalismo. Ayon kay Pama (2013), ang Teoryang Pormalismo ay nagbibigay pansin sa istruktura o pagkabuo ng isng akda. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag. Ang matuklasan at maipaliwanag ang anyo ng akda ang tanging layunin ng pag-susuring pormalistiko. Ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda. Ang teksto mismo ang pokus sa paggamit ng teoryang Pormalismo.

Sa unang taludtod ng tula, ipinahahayag nito na huwag gawing dahilan ang pilak, o pera upang ibigin mo ang isang tao. Ang pilak ay may pakpak, kaya may kakayahan itong makawala. Maaring nauubos ang pilak habang ito ay lumilipad papalyo.  Kaya mahirap kapag ito ay nawala. Hindi lang ang pilak, kundiang pati na rin ang iyong pag-ibig.

Huwag ding gawing dahilan ng pag-ibig ang ganda. Hindi permanente ang anumang bagay sa mundo. Maaring sa ngayon ay nagagandahan ka dito. Gaya ng nabanggit sa akda, kapag tumanda na ito, ang ganda ay nag-iiba.

Lahat tayo ay may dangal na tinataglay. Ngunit hindi ito maaring maging dahilan upang ibigin mo ang isang tao. Kahit na anong taas nito ay darating din sa punto na ito’y babagsak. Kahit na anong tagumpay ang makamit ng sinong tao, sa huli ay pare-pareho lang na sa hukay ang kalalagyan ng bawat isa sa mundo.

Huwag gawing dahilan ang pagnanasa kung ika’y iibig. Ang pag-ibig ay hindi natin maaring lokohin. Ang sinuman ay dapat ng makuntento sa kaligayahang kanilang natatamasa ngayon.
Kung ang tao man ay iibig, mas mainam na kung sa taong gusto niya talaga at mahal din siya. Dahil kung ganoon ang kanilang nararamdaman ay matatanggap nila ang isa’t-isa kahit ano pang katangian ang kanilang taglay.

Normal lang ang masaktan dahil sa pag-big. Kung ikaw ay nasaktan, wala ka ng magagawa dito. May ilan din naming mapapalad na hindi nasasawi dahil dito.

Ang pag-ibig ay maaring ipagkaloob ng kahit na sino. Hindi para mahirapan, kaya tayo nanunuyo. Kung ikaw ay iibig, kailangan mong magtiis.


Sa kabuuhan, malalim ang ibang salitang ginamit sa tula. Ito ay tumatalakay sa mga dahilan kung bakit madalas na umiibig ang isang tao, ngunit sa paraang hindi naayon o tama. Binigyang linaw ng tula ang mga dahilan kung bakit hindi natin dapat ginagawang dahilan ang mga bagay na nabanggit kapag tayo ay iibig.

Sources:
http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/sa-pamilihan-ng-puso.html