SA PAMILIHAN NG PUSO
Ni: Jose
Corazon de Jesus
Huwag kang iibig nang dahil sa pilak
pilak ay may pakpak
dagling lumilipad
pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.
Huwag kang iibig nang dahil sa ganda
ganda’y nagbabawa
kapag tumanda na
ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba.
Huwag kang iibig sa dangal ng irog
kung ano ang tayog
siya ring kalabog
walang taong hindi sa hukay nahulog.
Huwag kang iibig dahilan sa nasang
maging masagana
sa aliw at tuwa
pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya...
Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo
at mahal sa iyo
kahit siya’y ano,
pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.
Kung ikàw’y masawi’y sawi kang talaga
ikaw na suminta
ang siyang magbata;
kung maging mapalad, higit ka sa iba.
Sa itong pag-ibig ay lako ng puso
di upang magtubo
kaya sumusuyo
pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.
pilak ay may pakpak
dagling lumilipad
pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.
Huwag kang iibig nang dahil sa ganda
ganda’y nagbabawa
kapag tumanda na
ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba.
Huwag kang iibig sa dangal ng irog
kung ano ang tayog
siya ring kalabog
walang taong hindi sa hukay nahulog.
Huwag kang iibig dahilan sa nasang
maging masagana
sa aliw at tuwa
pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya...
Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo
at mahal sa iyo
kahit siya’y ano,
pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.
Kung ikàw’y masawi’y sawi kang talaga
ikaw na suminta
ang siyang magbata;
kung maging mapalad, higit ka sa iba.
Sa itong pag-ibig ay lako ng puso
di upang magtubo
kaya sumusuyo
pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.
Pumili ako ng teoryang aakma sa aking
napiling tula. Ang tulang ni Jose Corazon de Jesus ay magandang i-analisa sa
paraang pinakasimple at mauunawaan dahil na rin sa mga salitang kaniyang
ginamit. Kaya naman ang aking teoryang gagamitin ay ang Teoryang Pormalismo. Ayon
kay Pama (2013), ang Teoryang Pormalismo ay nagbibigay pansin sa istruktura o
pagkabuo ng isng akda. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng
matatalinghagang pahayag. Ang matuklasan at maipaliwanag ang anyo ng akda ang
tanging layunin ng pag-susuring pormalistiko. Ang tunguhin ng teoryang ito ay
matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda. Ang
teksto mismo ang pokus sa paggamit ng teoryang Pormalismo.
Sa unang taludtod ng tula,
ipinahahayag nito na huwag gawing dahilan ang pilak, o pera upang ibigin mo ang
isang tao. Ang pilak ay may pakpak, kaya may kakayahan itong makawala. Maaring
nauubos ang pilak habang ito ay lumilipad papalyo. Kaya mahirap kapag ito ay nawala. Hindi lang
ang pilak, kundiang pati na rin ang iyong pag-ibig.
Huwag ding gawing dahilan ng pag-ibig
ang ganda. Hindi permanente ang anumang bagay sa mundo. Maaring sa ngayon ay
nagagandahan ka dito. Gaya ng nabanggit sa akda, kapag tumanda na ito, ang
ganda ay nag-iiba.
Lahat tayo ay may dangal na tinataglay.
Ngunit hindi ito maaring maging dahilan upang ibigin mo ang isang tao. Kahit na
anong taas nito ay darating din sa punto na ito’y babagsak. Kahit na anong
tagumpay ang makamit ng sinong tao, sa huli ay pare-pareho lang na sa hukay ang
kalalagyan ng bawat isa sa mundo.
Huwag gawing dahilan ang pagnanasa
kung ika’y iibig. Ang pag-ibig ay hindi natin maaring lokohin. Ang sinuman ay
dapat ng makuntento sa kaligayahang kanilang natatamasa ngayon.
Kung ang tao man ay iibig, mas mainam
na kung sa taong gusto niya talaga at mahal din siya. Dahil kung ganoon ang
kanilang nararamdaman ay matatanggap nila ang isa’t-isa kahit ano pang
katangian ang kanilang taglay.
Normal lang ang masaktan dahil sa
pag-big. Kung ikaw ay nasaktan, wala ka ng magagawa dito. May ilan din naming mapapalad
na hindi nasasawi dahil dito.
Ang pag-ibig ay maaring ipagkaloob ng
kahit na sino. Hindi para mahirapan, kaya tayo nanunuyo. Kung ikaw ay iibig,
kailangan mong magtiis.
Sa kabuuhan, malalim ang ibang
salitang ginamit sa tula. Ito ay tumatalakay sa mga dahilan kung bakit madalas
na umiibig ang isang tao, ngunit sa paraang hindi naayon o tama. Binigyang
linaw ng tula ang mga dahilan kung bakit hindi natin dapat ginagawang dahilan
ang mga bagay na nabanggit kapag tayo ay iibig.
Sources:
http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/sa-pamilihan-ng-puso.html
Sources:
http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/sa-pamilihan-ng-puso.html
No comments:
Post a Comment