http://instagram.com/donnabelitahh/

Friday, December 27, 2013

IKAW, Kilala na nga ba kita?

Nakilala kita sa simpleng Hi at Hello lang,
Na nauwi sa hindi inaaasahang pagkaka-ibigan.
Araw-araw nagkakasama hanggang sa mag-uwian,
Hindi natin namalayan na lumalim na ang samahan.

Kasama mo sa lahat ng kalokohan,
Tawanan, iyakan sampalan at kurutan.
Wala na yatang ibang mapapagsabihan,
Ng mga sikretong sayo lang ipinagkatiwalang ilaan.

Di nagtagal lumalim ang koneksyon,
Mula sa pagkakaibigan, nabuo ang mas malalim na relasyon.
Ipinakilala sa magulang, tiyahin at tiyo,
Buong tiwalang binabanggit ang pangalan mo.





Sa tuwina ay nariyan ka, magkasama nating tinatapos ang umaga.
Sa bawat problema ay karamay ka, kinakaharap natin ito ng magkasama.
Wala na yatang mas hihigit pa sa ligayang nararamdaman,
Alam kong alam mong isa ka sa mga taong aking pinaka-iingatan.





Nagdaan ang mga taon, buwan, araw at minuto,
Tila tayo’y nagkakasawaan, araw-araw nalang ganito.
Tamis ng pagmamahalan unti-unting naglaho,
Di natin napansing nasisira na pati ang mga pangako.





Hanggang sa tayo’y nagdesisyon, na tapusin ang binubuong pundasyon.
Mahirap man para sa mga puso, kayang labanan ng mga isip natin ito.
Wala mang sinisisi sa mga kaganapang nakapandurugo,
Naniniwalang babalik ka, kung sa isa’t-isa ay nakalaan ang puso.





Patawad kung nasaktan ko ang damdamin mo,
Hindi lang naman ikaw, nasaktan din ang aking puso.
Salamat sa relasyon at tiwalang nabuo,
Mga ala-ala at karanasang hindi kailanman maglalaho.





Huwag natin sayangin mga buwan at taong binilang natin.
Kahit na alam kong hindi ito madaling kamtin.
Oras, araw, matagal na panahon ang aabutin,
Ibalik ang samahan, ang natitirang pagkakaibigan natin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Paumanhin kung hindi gaanong kagandahan ang aking tula.

Social Penetration Theory. Isang teoryang pang-komunikasyon na nagpapaliwanag na habang tumatagal ang isang relasyon, lumalalim na rin ang samahang nabubuo sa loob nito at nagsisimula nang ibahagi ng bawat partido ang kanilang sarili partikular na ang kanilang mga sikreto, dahil pinagkakatiwalaan nila ang isang tao. Ayon din sa teoryang ito, maari ding umabot sa hiwalayan ang isang relasyon sa oras na maramdaman nila na ito na ang kahahantungan ng mga susunod na pangyayari. (Altman and Taylor, 1973)

Lubos akong sumasang-ayon sa isinasaad ng teoryang ito. Ang dahilan ng pagkakaroon ng matibay na relasyon ay ang mga karanasan na napag-daraanan ng dalawang taong bumubuo nito. Dito, lubos na nilang nakikilala ang isa’t-isa, ang mga kilos o gawi, ang mga magiging reaksyon at maging ang mismong mararamdaman ng kanilang kapareho. Habang tumatagal ang isang pagsasama ay lalong lumalalim ang kanilang pagkaka-kilala sa isa’t-isa, dahilan upang tanggapin at lalong mahalin nila ang kanilang karelasyon.

Naniniwala akong may mga taong kagaya ko, na naranasan na rin ang pinaka-huling lebel ng teoryang ito. Ang tinatawag na “Depenetration”, na hiwalayan na lamang ang tanging solusyon upang hindi na patuloy pang masaktan ang kanilang mga puso. Masakit mang isipin, mahirap man itong tanggapin ay wala ng magagawa kundi tapusin ang kanilang mga nakasanayang gawin. Ngunit kung talagang pinahahalagahan ng dalawang tao ang kanilang relasyon ay hindi nila agad ito hahayaang maglaho, dahil hindi rin ganoon kadali ang limutin at tapusin na lamang isang pundasyon na binuo nila ng buong puso sa loob ng matagal na panahon. Isa ring punto ay dahil sa pumasok ka sa relasyong iyon na kilala mo ang taong iyong makakasama, kaya maaaring hindi dahilan ang hiwalayan dahil kung talagang kilala mo na ang taong iyon, matatanggap mo kung ano man ang kanyang nagawa o pag-u-ugaling mayroon siya.

Sa aking pagkakaintindi, naniniwala rin ako na hindi lang para sa nag-iibigan ang pinatutukuyan ng teoryang ito. Dahil hindi naman mag-sing-irog ang pinakamataas na lebel ng pagkakakilanlan (Valila's comment, 2013). Maaari rin itong maranasan ng dalawang tao na kapatid ang turing sa isa’t-isa at maari rin sa miyembro ng isang pamilya, depende sa kung paano nila pinaki-kilala ang kanilang sarili at kung paano ito sinusuklian pabalik sa kanila.



Sources:


 Altman, I., & Taylor, D., (1973). Social Penetration: The Development of Interpersonal Relationships. NewYork: Holt, Rinehart and Winston







Wednesday, December 18, 2013

Ang hiwalayan ay isang DESISYON. (Social Penetration Theory)

             Sa totoo lang, kaya ako natagalan sa paggawang blog na ito, ay dahil hindi ko talaga alam kung anong teorya ang bibigyan ko ng analisasyon o ng kritiko at naniniwala akong wala akong karapatang magbigyan ng anumang komento hinggil sa mapipili kong teorya. Hindi dahil sa kami ay obligadong gumawa nito kaya ako nagsusulat ngayon, kundi  may ideyang biglang pumasok sa isip ko na nais ko ding ibahagi sainyo.

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Nakilala kita sa simpleng Hi at Hello langNa nauwi sa hindi inaaasahang pagkaka-ibigan.Araw-araw nagkakasama hanggang sa mag-uwian,Hindi natin namalayan na lumalim na ang samahan.


Kasama mo sa lahat ng kalokohan,Tawanan, iyakan sampalan at kurutan.Wala na yatang ibang mapapagsabihan,Ng mga sikretong sayo lang ipinagkatiwalang ilaan.

Di nagtagal lumalim ang koneksyon,

Mula sa pagkakaibigan, nabuoang mas malalim na relasyon

Ipinakilala sa magulang, tiyahin at tiyoBuong tiwalang binabanggit ang pangalan mo.


Sa tuwina ay nariyan ka, magkasama nating tinatapos ang umaga.Sa bawat problema ay karamay ka, kinakaharap natin ito ng magkasama.Wala na yatang mas hihigit pa sa ligayang nararamdaman,Alam kong alam mong isa ka sa mga taong aking pinaka-iingatan.


Nagdaan ang mga taon, buwan, araw at minuto,Tila tayo’y nagkakasawaan, araw-araw nalang ganito.Tamis ng pagmamahalan, unti-unting naglaho,Di natin napansing nasisira na pati ang mga pangako.


Hanggang sa tayo’y nagdesisyon, na tapusin ang binubuong pundasyonMahirap man para sa mga puso, kayang labanan ng mga isip natin ito.Wala mang sinisisi sa mga kaganapang nakapandurugo,Naniniwalang babalik ka, kung sa isa’t-isa ay nakalaan ang puso.


Patawad kung nasaktan ko ang damdamin mo,Hindi lang naman ikaw, nasaktan din ang aking puso.Salamat sa relasyon at tiwalang nabuo,Mga ala-ala at karanasang hindi kailanman maglalaho.


Huwag natin sayangin mga buwan at taong binilang natin.Kahit na alam kong hindi ito madaling kamtin.Oras, araw, matagal na panahon ang aabutin,Ibalik ang samahan, ang natitirang pagkakaibigan natin.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


              Ginawa ko ang tulang ito upang bigyang kahulugan ang Social Penetration Theory. Isang teoryang pang-komunikasyon na nararanasan ng mga kabataan sa panahon ngayon. Ang lahat ng relasyon ay dumaan sa ganitong mga antas. Na mula sa pagkakaibigan ay lumalalim ang samahan, hanggang sa mararamdaman ng isa’t-isa na naranasan na nila ang pinakamasayang emosyon na maari nilang maramdaman. Dito ay unti-unting mabubuo ang pagkakasawaan hanggang sa darating ang punto ng hiwalayan. Isinasaad din sa teoryang ito na ang anumang relasyon ay nakakaranas ng “Depenetration” kung saan narating na ng nasa isang relasyon ang pinakadulong parte ng kanilang pagsasama. Dulo dahil ang pakiramdam nila ay naranasan na nila ang lahat. Kinakailangan ng maghiwalay, upang hindi patuloy na saktan ang damdamin ng bawat isa.Walang malinaw na dahilan, at wala na ding ibang paraan kundi tapusin ang samahan at relasyong iningatan.

              Hindi ako lubos na sumasang-ayon sa teoryang aking napili. Kahit na ako mismo ay biktima din ng ligaya at sakit nadulot ng pag-ibig. Totoo ngang bawat relasyon ay dumaan sa iba’t-ibang antas at lumalalim habang tumatagal. Totoo din na ang relasyon ay dumarating sa puntong nagkakasawaan na at pumpasok na ang ideyang hiwalayan. Ngunit para sa akin, hindi totoong hiwalayan ang solusyon sa problemang pinagdaraanan ng nasa isang relasyon .Base sa aking naranasan, napagtanto ko na ang paghihiwalayan ay isang desisyon ng parehong partido. Desisyong kung saan dapat ay makailang ulit mo itong pag-iisipan, hindi lang dahil sa naramdaman mong pagod kana o nasasaktan ka na. Hindi ko din sinasabi na magpaka-martir ang sinuman pagdating dito, ngunit kung talagang ganap ng nadebelop ang konsepto mo tungkol sa pag-ibig, ay hindi ka basta-bastang susuko at bibitiw nalamang sa relasyon.

Anumang problema ay nadaraan sa maayos na pag-uusap. Kung nagkaroon ng matinding alitan ay pahupain muna ang mga nararamdaman.Huwag magdesisyon ng pang-matagalan sa emosyong panandalian. Maaring palipasin ang ilang mga araw upang bigyang laya ang sarili at magkaroon ng oras upang pagnilayan ang mga kaganapan. Kung ikaw ang may kasalanan, huwag mag-atubiling manghingi ng kapatawaran. Huwag ng magmatigas, hindi ka dadalhin kung saanman niyan. Kung siya ang may kasalanan, subukang intindihin ang kanyang pinaghuhugutan. Maaring hindi mo man ito maunawaan, ngunit kung totoong mahal mo ang isang tao ay matatanggap mo ito ano’t-anuman ang dahilan.

                   Kung sobrang matindi ang pinag-awayan, maari ding humingi ng espasyo sa bawat isa. Maaring magtagal ng ilang linggo, basta siguraduhing sa pagbalik mo ay buo na ang iyong desisyon. Isa ding alternatibong paraan ang magsimula ulit kayong dalawa. Kung talagang seryoso sa paghingi ng kapatawaran, makakayana ng magsimula ulit sa ligawan. Simulang buuhin ang nasirang pundasyon, kung talagang pinahahalagahan niyo ang inyong relasyon.


 Sources:







Saturday, December 7, 2013

PARA KANINO KA BUMABANGON?

December 8, 9:15 am.
Good Morning. Inaantok pa ko.Anong oras na? 9 na. Naka-8 hours na ba ako?  Natulog ako ng 4:15am , may tinapos pa kasi akong written report. Wala pang 8 hours, sabe ni Ma'am dapat maka-abot dun. Kaya natulog ulit ako.



12:09pm
Good Morning. Ay tanghali na pala. Pwede na 'yan, naka-8 hours na ko. Thank you Ma'am. Late na ata ako sa deadline? Sorry po. Ngayon na lang ulit ako nakatulog ng ganto kahaba. Netong mga nakaraang araw eh laging puyat dahil may show.

Honestly, wala akong idea kung ano isusulat ko sa blog ko. Ayaw ko namang dayain 'yung sarili ko at mag-isip ng magandang topic for the sake na may mai-post na magandaa. Di ko ikakauunlad yan.

Nung nagising ako kaninang 9am, may pandesal na at coffee na nakahanda sa lamesa katabi ng kama. Alam ko si mama naghanda nun, pero wala siya, baka bumaba ng bahay. Kinain ko muna, bawal kasi ako malipasan dahil sa ulcer. After kong ubusin, dun ko chineck yung oras at 'yun nga, natulog ako ulit.

Nung tanghale na, ginising na ko ni Mama. Eh antok pa ko, kaya antagal ko kumilos. "BUMANGON KA NA!" sigaw ni mama na umalingawngaw talaga. Kaya bumangon ako. Pero humiga ulit. Natanong ko 'yung sarili ko, bakit nga ba ako bumabangon? Para kanino? Para saan?

*bumangon at nagtype na muna sa laptop*

Happy Sunday! Di ako nakapagsimba kaninang umaga, mamaya na lang. Habang tinatype ko to, tumutugtog 'yung For Good na kanta. "Because I knew you, I have been changed for good"

PARA KANINO NGA BA AKO BUMABANGON? Di ko man maexplain ng maayos 'yung sagot ko, malinaw naman sakin kung para kanino. Para sa mga taong una kong nakikita everytime na nagigising ako.
At siyempre, sa dahilan kung bakit ako patuloy na nakakabangon :) Si Papa God. Minsan naiisip ko, worth it pa bang tawagin ko Siyang Papa. Kasi alam kong di ako worth na tawaging anak niya. Sa sobrang busy ko, minsan naapektuhan na 'yung paguusap naming dalawa. Pero thankful ako kasi kahit na bitchesa akong maituturing, alam kong mahal Niya ako at di Siya napapagod na paulanan ako ng mga blessings.

Unang-una, 'yung mama ko. Siya talaga 'yung pinaka-importanteng tao sa buhay ko. *Oh my, di ko mapigilan 'yung luha ko* Mahal na mahal ko 'yung mama ko. Nasasabe ko naman 'yun sakanya. Pero hanggang sabe lang, minsan ko lang maparamdam.  May ibang tao na di nila nasasabi in personal, pero napaparamdam nila. At hindi ako kasama sa mga taong ganun. Nag-i-i love you ako sa kanya bago ako pumasok, kasi naniniwala ako na baka 'yung na 'yung huling beses na magkita kami, na baka may mangyari sa isa sa amin na hindi maganda *pero huwag naman sana kasi di ko din alam gagawin ko pag nangyari 'yun* Ewan ko ba, simula nung nagtheater ako, ready na 'kong mamatay. Tanggap ko na 'yung konsepto ng kamatayan, pero takot akong makakita ng katawang wala ng buhay. Ang gulo diba? Going back, sobrang swerte ako dahil siya 'yung nanay ko. Naaalala ko nung grade 6 ako, binubuhat pa niya ko sa likod niya para makatawid sa tulay, eh magkasing height lang kami ng nanay ko ramdam ko talagang hirap siya nun. Nung nag high-school ako, wala akong hiningi na di niya binigay. Lalo ngayong college, wala siyang palag sa course ko kahit na alam niyang magastos to. Pinayagan niya kong magtheater, kahit na tatlong taon na niya akong inaantay ng madaling araw sa kanto masiguro lang na masusundo ako dahil super late na ako lagi nakakauwi galing Polyrep. Lahat ng hinihingi ko, kahit wala kaming pera ginagawan niya ng paraan. Mas inuuna pa 'yung gastos ko kesa sa pagpapagawa sa bahay. Hindi ko lang siya nanay, bestfriend ko din siya. Yun bang pa-apir apir na lang pag nagtatawanan, tropa e. Close din sila ng special someone ko, ramdam ko nga minsan mas anak pa niya si Marko kesa sakin. :D Walang araw na di niya ko pinaghahandaan ng almusal, tangahalian, baon at hapunan. Yung pagkagising ko diretso C.R nako, tapos nandun na lahat ng susuutin ko, yung papasok ako na di ko alam 'yung laman ng bag ko pero alam kong kumpleto na kasi siya 'yung nag-ayos. Bumabangon ako para sa Mama ko.

Bihira lang kami magkita ng Papa ko. Stay-in kasi siya sa Batangas at minsan sa isang buwan lang umuwi. Week ends. Eh madalas wala ako sa bahay pag ganun, kaya di ko na siya naaabutan minsan. Naisip ko din si Papa na dahilan kung bakit ako bumabangon, naalala ko sa Pasko pa siya uuwi ulit dito. Isang beses lang sa isang buwan kung magkita. Di ako Papa's girl, pero sweet ako sa kanya. Hinihilot ko 'yung lage kapag umuuwi siya, kaya nagtatampo ako kapag di siya nagpapahilot sakin. Para sakin kasi, sa ngayon 'yun pa lang 'yung masusukli ko sa lahat ng paghihirap niya sa pagpapa-aral sakin. Someday, mabibili ko siya ng kwartong punong-puno ng carpentry tools, pangarap niya 'yun e. Pero di niya mabili kasi mas inuuna pa niya kami. Bumabangon ako para sa Papa ko.

Habang tinatype ko to, kinakalabit ako ng kapatid ko, kaen na daw muna, mamaya na magcomputer. Tapos tiningnan ko siya, sabe ko sige mauna na kayo, tatapusin ko muna to. Anlaki na pala ng kapatid ko? Bagong ligo siya, may lakad ata. Ambango din niya, binata na. Di ko na namamalayan 'yung paglaki niya. Di ko din alam kung may nililigawan na ba siya o wala pa. Andami niyang mga bagay na alam na di ko man lang natutunang gawin. TLE kasi 'yung kinuha niya ngayong high school, Journalism ako kaya napaka-layo ng mga natututunan namin. Nung lagi akong nasa bahay, katabi ko siya matulog, hawak ko lagi kamay niya. Bonding namin 'yung mga kanta ni Gloc 9. Parehas kasi kaming mahilig mag-rap at kumanta. Duet baga. 
Dahil sa kanya din kung bakit ako bumabangon. Kailangan ko siyang mapagtapos ng pag-aaral. Gusto ko din pagkuhain siya ng masteral sa kahit anong degree na gusto niya. Kung dati, sobrang naiinggit ako sakanya kasi mas love siya nila mama, ngayon na matanda na ko, isa na din ako sa mga nangangarap para sa kanya. Bumabangon ako para sa kapatid ko.


Bumabangon din ako para sa mga kaibigan ko, madami sila at hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanila, kundi kapatid, pangalawang mga magulang. Never akong iniwan sa kahit na anong bagay. Yung kapag nakikita mo sila, masasabi mong maswerte ka kasi nakilala mo sila at part sila ng buhay mo. Madami sila at baka bukas pa ako matapos kung isusulat ko lahat. Mga ka-klase ko, ka-theater ko, at yung mga piling kaibigan ko. Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa kanila. Nagpapasalamat ako kay God kasi sa kaibigan talaga ako pinaka-inulan ng biyaya.

Wala na kong mahihiling pa, mapagmahal na pamilya, mga baliw na kaibigan dagdagan mo pa ng boyfriend na dati crush ko lang. Alam ng buong section namin kung ano 'yung pinagdaanan naming dalawa. Masyadong cheesy kung isasama ko pa dito. Meron akong tumblr na lahat puro patungkol sa kanya. Kung interesado kayo, check niyo na lang din. December 8, eight months na kami ngayon. Di kami magkikita, pero nagcelebrate na kami kahapon. Nanuod ng Catching Fire, bonding. Mas gusto kong tawaging bonding kesa date. Arte masyado. Di ko lang kasi kapartner yun. Kuya din, Tatay, utol at punching bag. Sinayawan niya ko sa ilalim ng Christmas Tree sa Cubao kagabe, sa harap ng madaming tao. Nahihiya ako na kinikilig. nahihiya kasi nasa stage kami pareho at madaming nagvi-video sa amin, kinikilig din. Explain ko pa ba kung bakit? Haha. Happy Monthsary saten. Tapusin mo na blog mo, tulog ka ng tulog. 

AKO SI DONNALYN BADOR. 18 years old na pero di ko pa din nakikita yung sarili ko balang araw. Madami akong gusto. Gusto kong maging broadcaster, writer, dj, event organizer, gusto kong buhayin ang Arts sa puso ng bawat isa. Gusto kong maging part ng Theater Organization na nagrerepresent sa buong Pilipinas at ipapalabas sa ibang bansa. Gusto ko pang umarte, madaming roles. Ang dami diba? Kaya habang hindi ko pa nakikita ang sarili ko balang araw, patuloy akong babangon. Hindi lang literal na pagbangon sa umaga, kundi pati rin pagbangon sa anumang pagsubok na haharapin ko habang tinatahak ang buhay na meron ako ngayon. Sa sobrang dami ng blessings ko, tatamarin pa ba akong bumangon?

Ma'am Kaya, di ko po mapiglang magtype. OA na sa sobrang haba pero andami ko pang gustong sabihin. Salamat dito dahil lalo akong ginanahang bumangon. Pero sa ngayon, babangon ako dahil nagugutom na ko. Kaen tayo. Salamat sa pagbabasa!