Sa totoo lang, kaya ako natagalan sa paggawang blog na ito, ay
dahil hindi ko talaga alam kung anong teorya ang bibigyan ko ng analisasyon o ng kritiko
at
naniniwala akong wala akong karapatang magbigyan ng anumang komento hinggil sa mapipili kong teorya.
Hindi dahil sa kami ay obligadong gumawa nito kaya ako nagsusulat ngayon, kundi may ideyang biglang pumasok sa isip ko na nais ko ding
ibahagi sainyo.
Nakilala kita sa simpleng Hi at Hello langNa nauwi sa hindi inaaasahang pagkaka-ibigan.Araw-araw nagkakasama hanggang sa mag-uwian,Hindi natin namalayan na lumalim na ang samahan.
Kasama mo sa lahat ng kalokohan,Tawanan, iyakan sampalan at kurutan.Wala na yatang ibang mapapagsabihan,Ng mga sikretong sayo lang ipinagkatiwalang ilaan.
Di nagtagal lumalim ang koneksyon,
Mula sa pagkakaibigan, nabuoang mas malalim na relasyon
Ipinakilala sa magulang, tiyahin at tiyoBuong tiwalang binabanggit ang pangalan mo.
Sa tuwina ay nariyan ka, magkasama nating tinatapos ang umaga.Sa bawat problema ay karamay ka, kinakaharap natin ito ng magkasama.Wala na yatang mas hihigit pa sa ligayang nararamdaman,Alam kong alam mong isa ka sa mga taong aking pinaka-iingatan.
Nagdaan ang mga taon, buwan, araw at minuto,Tila tayo’y nagkakasawaan, araw-araw nalang ganito.Tamis ng pagmamahalan, unti-unting naglaho,Di natin napansing nasisira na pati ang mga pangako.
Hanggang sa tayo’y nagdesisyon, na tapusin ang binubuong pundasyonMahirap man para sa mga puso, kayang labanan ng mga isip natin ito.Wala mang sinisisi sa mga kaganapang nakapandurugo,Naniniwalang babalik ka, kung sa isa’t-isa ay nakalaan ang puso.
Patawad kung nasaktan ko ang damdamin mo,Hindi lang naman ikaw, nasaktan din ang aking puso.Salamat sa relasyon at tiwalang nabuo,Mga ala-ala at karanasang hindi kailanman maglalaho.
Huwag natin sayangin mga buwan at taong binilang natin.Kahit na alam kong hindi ito madaling kamtin.Oras, araw, matagal na panahon ang aabutin,Ibalik ang samahan, ang natitirang pagkakaibigan natin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ginawa ko ang tulang ito upang bigyang kahulugan ang Social
Penetration Theory. Isang teoryang pang-komunikasyon na nararanasan ng mga kabataan sa panahon ngayon. Ang lahat ng relasyon ay dumaan sa ganitong mga antas. Na mula sa pagkakaibigan ay lumalalim ang samahan,
hanggang sa mararamdaman ng isa’t-isa na naranasan na nila ang pinakamasayang emosyon na maari nilang maramdaman.
Dito ay
unti-unting mabubuo ang pagkakasawaan hanggang sa darating ang punto ng hiwalayan.
Isinasaad din sa teoryang ito na ang anumang relasyon ay nakakaranas ng
“Depenetration” kung saan narating na ng nasa isang relasyon ang pinakadulong parte
ng kanilang pagsasama. Dulo dahil ang pakiramdam nila ay naranasan na nila ang lahat. Kinakailangan ng maghiwalay,
upang hindi patuloy na saktan ang damdamin ng bawat isa.Walang malinaw na dahilan, at
wala na ding ibang paraan kundi tapusin ang samahan at relasyong iningatan.
Hindi ako lubos na sumasang-ayon sa teoryang aking napili.
Kahit na ako mismo ay biktima din ng ligaya at sakit nadulot ng pag-ibig.
Totoo ngang bawat relasyon ay dumaan sa iba’t-ibang antas at
lumalalim habang tumatagal. Totoo din na ang relasyon ay dumarating sa puntong nagkakasawaan na
at pumpasok na ang ideyang hiwalayan. Ngunit para sa akin, hindi totoong hiwalayan ang solusyon sa problemang pinagdaraanan ng nasa isang relasyon
.Base sa aking naranasan, napagtanto ko na ang paghihiwalayan ay
isang desisyon ng parehong partido. Desisyong kung saan dapat ay
makailang ulit mo itong pag-iisipan, hindi lang dahil sa naramdaman mong pagod kana o
nasasaktan ka na. Hindi ko din sinasabi na magpaka-martir ang sinuman pagdating dito,
ngunit kung talagang ganap ng nadebelop ang konsepto mo tungkol sa pag-ibig, ay
hindi ka basta-bastang susuko at bibitiw nalamang sa relasyon.
Anumang problema ay nadaraan sa maayos na pag-uusap. Kung
nagkaroon ng matinding alitan ay
pahupain muna ang mga nararamdaman.Huwag magdesisyon ng pang-matagalan sa emosyong panandalian.
Maaring palipasin ang ilang mga araw upang bigyang laya ang sarili at
magkaroon ng oras upang pagnilayan ang mga kaganapan. Kung ikaw ang may kasalanan,
huwag mag-atubiling manghingi ng kapatawaran. Huwag ng magmatigas, hindi ka dadalhin
kung saanman niyan. Kung siya ang may kasalanan,
subukang intindihin ang kanyang pinaghuhugutan. Maaring hindi mo man ito maunawaan,
ngunit kung totoong mahal mo ang isang tao ay matatanggap mo ito ano’t-anuman ang dahilan.
Kung sobrang matindi ang pinag-awayan, maari ding
humingi ng espasyo sa bawat isa. Maaring magtagal ng ilang linggo, basta siguraduhing sa pagbalik mo ay buo na ang iyong desisyon. Isa ding alternatibong paraan ang magsimula ulit kayong dalawa.
Kung talagang seryoso sa paghingi ng kapatawaran, makakayana ng magsimula ulit sa ligawan.
Simulang buuhin ang nasirang pundasyon, kung talagang pinahahalagahan niyo ang inyong
relasyon.
Very well said. I relate myself to this. Yan din ang kadalasang sinasabi ng boyfriend ko skn. Hiwalayan ay hindi solusyon. Better na pagusapan. Having a person like this this is a blessing. So let's treasure the blessing of being loved! :) <3
ReplyDeleteHindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
DeleteTouched. I thought happy ending yung poem.. This is a good article to read. Mutual Thoughts here.
ReplyDeleteNakarelate ako dito. Hahaha, Napansin ko na kakaiba 'yung sayo kasi may sarili kang tula na ginawa, magaling :D Ito yung mga puna ko:
ReplyDelete*Napansin ko talaga yung title, madalas ko din banggitin to eh pero sa english syempre.
akala ko nung una pabor ka sa hiwalayan, kasi parang yun yung atake ng title mo. Pero nung nabasa ko na, hindi pala. Suggestion ko lang "Ang hiwalayan ay desisyon, pero hindi paniguradong solusyon".
*Mas maganda siguro kung iibahin mo yung font style at size nung ginawa mong tula para may emphasis :)
Pero all in all, ramdam kong puno ng puso ito :D
Advance Merry Christmas and Happy New Year ♥
Magandang panimula ang sariling akdang tula. Naging maayos din ang pagpapaliwanag sa teoryang pinili.
ReplyDeletecool kasi may tula na intro.. :)) parang nagki-critic at the same time, nag-aadvice
ReplyDeletedonna wag mu na lang ilagay yung theory mo sa title para at least may thrill sa pagbabasa... para exciting.. and ang haba!!
ReplyDeleteMahusay na sinimulan ang iyong pananaw sa pamamagitan ng tula dahil sa tula pa lamang aynaipalawanag ang iyong masasabi tungkol sa hiwalayan. Hindi ako sang-ayon na ang hiwalayan ay desisyon ng dalawang partido kasi magkaiba kayo ng nararamdaman ng karelasyon mo kung nagkataong pareho niyo ng gustong maghiwalay may naudyok dun ibig sabihin may naunang nakaramdaman ng kagustuhan na makipaghiwalay, hindi sabay sila.
ReplyDeleteHindi kasi ako naniniwala na mababalik mo yung dati mong nararmdaman sa isang tao kahit gustuhin man maaring madadagdagan o mababawasa yung nararamdaman niyo sa isa't-isa sa palawang pagkakataon. Para kasi sakin hindi na mabubuo yung bagay na nasira na. Ang love kasi ay once in a lifetime experience, no second chances parang it's now or never. Ayoko din nung mga taong naghahabol sa pag-ibig yung mga taong di makamove on pilit na binabalik yung pag-ibig na kupas na. No one runs after love, love must chase us.
gusto ko dn po maglagay s final draft q nung disclaimer b tawag dun s first paragraph..hehehe creative dn po ung paggamit ng tula.kya lang po mejo.. u know tama po cla hehe. mehebe po.
ReplyDeleteConstructive Criticism po. Nothing personal :)
ReplyDeleteProofread po. may mga words na hindi ko alam kung mali ka lang ng type o mali talaga ng gamit (ex. Magbigyan na dapat ay mag-bigay, nadulot na dapat ay na dulot)
Spaces po sa bawat sentences. Again, kailangan po nagpproofread tau bago nag-pupublish ng blog.
Use of words: ng - nang
Hindi na po tungkol sa teorya ang naging critic nyo kundi tungkol na sa mismong example na ibinigay mo. Hindi lang po hiwalayan ang pinakamabisang halimbawa ng depenetration, at siguradong hindi lang hiwalayan ang tinutukoy ng SPT kaya hindi ka dapat nagfocus sa break-up per se. :)
alabyu donna :* <3
Ramdam na ramdam ang blog mo, may hugot talaga, technicalities at citations nalang po. :)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletecooool :)
ReplyDeleteMajority na yata ng nabasang kong blog, ang lalim ng hugot sa pag-ibig. hahahah :D pero pag Social Penetration, mag-jowa lang talaga? Wala na bang ibang example? hahaha
ReplyDeleteMaganda yung tula, post mosa tumblr kends! :)))
Tapos yung sa mismong critique, parang tumutula ka parin? Rhyming =)))) hihi pero nakakatuwa. Sinabi naman na nila yung ibang dapat pang iimprove :)
xx
medyo nakarelate kasi minsan mas kilala natin yung mga kaibigan natin kaysa kanino pa man at minsan kung sino yung mas close mo siya yung napagtutuunan ng pansin lalo na kung parehong single......hahahahaha....
ReplyDeleteMaganda yung tula :)
ReplyDeleteSa technical aspects ka na lang siguro mag-focus katulad ng paggamit ng punctuation marks at pag-upper at lower case ng letra. Masyado din itong mahaba. :D
-binigyang focus ang personal experiece, ndi ung mismong theory. but maganda ung thought na iuugnay mu ung isang life experience sa theory, mas maipapakita na atleast may authoirity ka pa din para icritic ung theory kasi naexperience mu xa first hand. pero ndi masyado na achieve.
ReplyDelete-paggamit ng NG at NANG.
-proofread, may mga inappropriate use of capital letters. right usage ng punctuation marks.
gamitin na ang tamang format ng citation :)
ReplyDeleteIsa ka pang bata ka. ang dame mo ding sinabe. srsly, di ako makarelate. bakit kasi ganyan. hahaha. joke lang. very well said baby baduurr. keep it up :)) :*
ReplyDeletemaganda yung paglalagay ng sariling tula. lakihan na lang din yung font size medyo maliit. dagdagan ng citations para may bigat ang teoryang napili. may hugot ang pagpapaliwanag, which is nice. konting linis na lng oks na oks na ito
ReplyDeleteDonna. pasensya na ngayon lang ako nagbukas ng account. Maganda ang pagkaka paliwanag mo sa teorya sana lang mas iniklian mo pa sya. Citations pa pala. Pero gusto ko yung pagkakahugot mo sa tula ah! Haha.
ReplyDeletepunctuation batch
ReplyDelete1
ReplyDeleteToo long for my life.
2
Pakiayos ang mga spelling ng mga salita.
Tagalog na nga nagkakamali pa tayo ng baybay.
Matuto tayong magproofread.
3
Malinaw ang tindig sa teorya, kaya lang gaya nga ng nasabi
ko sa itaas, may mga bagay at pangngungusap na kaya nating icompress lang
sa isang sentence.
4
Naipaliwanag na nung tula ang teorya, tingin ko hindi
na kailangan pang ulitin 'yun sa sumunod na talata.
5
Anong point ng disclaimer?
6
Good job. :)
Thank you po ma'am :)
DeleteDRAMA MU DAY!!!! taray pala ee. ahahah ikaw na magaling sa ganyan. :)))) peo infairness taray ng tula na ginawa mu aa KABOG!! pumapalo!! tsaka haba ng ginawa mu ahaha tsaka nga sabi ni mam may mga sentence na pupwedeng paikliin para hindi mag mukang mahaba (malamang -_-) ahahah wag na natin pahirapan ang ating mga sarili kung kayang i paliwanag ng simple at sa maikling paraan push na!! peo natutuwa ako sa ginawa mu ibang iba ka talaga, good job baby im proud of you. :*
ReplyDeleteHindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
ReplyDelete