December 8, 9:15 am.
Good Morning. Inaantok pa ko.Anong oras na? 9 na. Naka-8 hours na ba ako? Natulog ako ng 4:15am , may tinapos pa kasi akong written report. Wala pang 8 hours, sabe ni Ma'am dapat maka-abot dun. Kaya natulog ulit ako.
12:09pm
Good Morning. Ay tanghali na pala. Pwede na 'yan, naka-8 hours na ko. Thank you Ma'am. Late na ata ako sa deadline? Sorry po. Ngayon na lang ulit ako nakatulog ng ganto kahaba. Netong mga nakaraang araw eh laging puyat dahil may show.
Honestly, wala akong idea kung ano isusulat ko sa blog ko. Ayaw ko namang dayain 'yung sarili ko at mag-isip ng magandang topic for the sake na may mai-post na magandaa. Di ko ikakauunlad yan.
Nung nagising ako kaninang 9am, may pandesal na at coffee na nakahanda sa lamesa katabi ng kama. Alam ko si mama naghanda nun, pero wala siya, baka bumaba ng bahay. Kinain ko muna, bawal kasi ako malipasan dahil sa ulcer. After kong ubusin, dun ko chineck yung oras at 'yun nga, natulog ako ulit.
Nung tanghale na, ginising na ko ni Mama. Eh antok pa ko, kaya antagal ko kumilos. "BUMANGON KA NA!" sigaw ni mama na umalingawngaw talaga. Kaya bumangon ako. Pero humiga ulit. Natanong ko 'yung sarili ko, bakit nga ba ako bumabangon? Para kanino? Para saan?
*bumangon at nagtype na muna sa laptop*
Happy Sunday! Di ako nakapagsimba kaninang umaga, mamaya na lang. Habang tinatype ko to, tumutugtog 'yung For Good na kanta. "Because I knew you, I have been changed for good"
PARA KANINO NGA BA AKO BUMABANGON? Di ko man maexplain ng maayos 'yung sagot ko, malinaw naman sakin kung para kanino. Para sa mga taong una kong nakikita everytime na nagigising ako.
At siyempre, sa dahilan kung bakit ako patuloy na nakakabangon :) Si Papa God. Minsan naiisip ko, worth it pa bang tawagin ko Siyang Papa. Kasi alam kong di ako worth na tawaging anak niya. Sa sobrang busy ko, minsan naapektuhan na 'yung paguusap naming dalawa. Pero thankful ako kasi kahit na bitchesa akong maituturing, alam kong mahal Niya ako at di Siya napapagod na paulanan ako ng mga blessings.
Unang-una, 'yung mama ko. Siya talaga 'yung pinaka-importanteng tao sa buhay ko. *Oh my, di ko mapigilan 'yung luha ko* Mahal na mahal ko 'yung mama ko. Nasasabe ko naman 'yun sakanya. Pero hanggang sabe lang, minsan ko lang maparamdam. May ibang tao na di nila nasasabi in personal, pero napaparamdam nila. At hindi ako kasama sa mga taong ganun. Nag-i-i love you ako sa kanya bago ako pumasok, kasi naniniwala ako na baka 'yung na 'yung huling beses na magkita kami, na baka may mangyari sa isa sa amin na hindi maganda *pero huwag naman sana kasi di ko din alam gagawin ko pag nangyari 'yun* Ewan ko ba, simula nung nagtheater ako, ready na 'kong mamatay. Tanggap ko na 'yung konsepto ng kamatayan, pero takot akong makakita ng katawang wala ng buhay. Ang gulo diba? Going back, sobrang swerte ako dahil siya 'yung nanay ko. Naaalala ko nung grade 6 ako, binubuhat pa niya ko sa likod niya para makatawid sa tulay, eh magkasing height lang kami ng nanay ko ramdam ko talagang hirap siya nun. Nung nag high-school ako, wala akong hiningi na di niya binigay. Lalo ngayong college, wala siyang palag sa course ko kahit na alam niyang magastos to. Pinayagan niya kong magtheater, kahit na tatlong taon na niya akong inaantay ng madaling araw sa kanto masiguro lang na masusundo ako dahil super late na ako lagi nakakauwi galing Polyrep. Lahat ng hinihingi ko, kahit wala kaming pera ginagawan niya ng paraan. Mas inuuna pa 'yung gastos ko kesa sa pagpapagawa sa bahay. Hindi ko lang siya nanay, bestfriend ko din siya. Yun bang pa-apir apir na lang pag nagtatawanan, tropa e. Close din sila ng special someone ko, ramdam ko nga minsan mas anak pa niya si Marko kesa sakin. :D Walang araw na di niya ko pinaghahandaan ng almusal, tangahalian, baon at hapunan. Yung pagkagising ko diretso C.R nako, tapos nandun na lahat ng susuutin ko, yung papasok ako na di ko alam 'yung laman ng bag ko pero alam kong kumpleto na kasi siya 'yung nag-ayos. Bumabangon ako para sa Mama ko.
Bihira lang kami magkita ng Papa ko. Stay-in kasi siya sa Batangas at minsan sa isang buwan lang umuwi. Week ends. Eh madalas wala ako sa bahay pag ganun, kaya di ko na siya naaabutan minsan. Naisip ko din si Papa na dahilan kung bakit ako bumabangon, naalala ko sa Pasko pa siya uuwi ulit dito. Isang beses lang sa isang buwan kung magkita. Di ako Papa's girl, pero sweet ako sa kanya. Hinihilot ko 'yung lage kapag umuuwi siya, kaya nagtatampo ako kapag di siya nagpapahilot sakin. Para sakin kasi, sa ngayon 'yun pa lang 'yung masusukli ko sa lahat ng paghihirap niya sa pagpapa-aral sakin. Someday, mabibili ko siya ng kwartong punong-puno ng carpentry tools, pangarap niya 'yun e. Pero di niya mabili kasi mas inuuna pa niya kami. Bumabangon ako para sa Papa ko.
Habang tinatype ko to, kinakalabit ako ng kapatid ko, kaen na daw muna, mamaya na magcomputer. Tapos tiningnan ko siya, sabe ko sige mauna na kayo, tatapusin ko muna to. Anlaki na pala ng kapatid ko? Bagong ligo siya, may lakad ata. Ambango din niya, binata na. Di ko na namamalayan 'yung paglaki niya. Di ko din alam kung may nililigawan na ba siya o wala pa. Andami niyang mga bagay na alam na di ko man lang natutunang gawin. TLE kasi 'yung kinuha niya ngayong high school, Journalism ako kaya napaka-layo ng mga natututunan namin. Nung lagi akong nasa bahay, katabi ko siya matulog, hawak ko lagi kamay niya. Bonding namin 'yung mga kanta ni Gloc 9. Parehas kasi kaming mahilig mag-rap at kumanta. Duet baga.
Dahil sa kanya din kung bakit ako bumabangon. Kailangan ko siyang mapagtapos ng pag-aaral. Gusto ko din pagkuhain siya ng masteral sa kahit anong degree na gusto niya. Kung dati, sobrang naiinggit ako sakanya kasi mas love siya nila mama, ngayon na matanda na ko, isa na din ako sa mga nangangarap para sa kanya. Bumabangon ako para sa kapatid ko.
Bumabangon din ako para sa mga kaibigan ko, madami sila at hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanila, kundi kapatid, pangalawang mga magulang. Never akong iniwan sa kahit na anong bagay. Yung kapag nakikita mo sila, masasabi mong maswerte ka kasi nakilala mo sila at part sila ng buhay mo. Madami sila at baka bukas pa ako matapos kung isusulat ko lahat. Mga ka-klase ko, ka-theater ko, at yung mga piling kaibigan ko. Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa kanila. Nagpapasalamat ako kay God kasi sa kaibigan talaga ako pinaka-inulan ng biyaya.
Wala na kong mahihiling pa, mapagmahal na pamilya, mga baliw na kaibigan dagdagan mo pa ng boyfriend na dati crush ko lang. Alam ng buong section namin kung ano 'yung pinagdaanan naming dalawa. Masyadong cheesy kung isasama ko pa dito. Meron akong tumblr na lahat puro patungkol sa kanya. Kung interesado kayo, check niyo na lang din. December 8, eight months na kami ngayon. Di kami magkikita, pero nagcelebrate na kami kahapon. Nanuod ng Catching Fire, bonding. Mas gusto kong tawaging bonding kesa date. Arte masyado. Di ko lang kasi kapartner yun. Kuya din, Tatay, utol at punching bag. Sinayawan niya ko sa ilalim ng Christmas Tree sa Cubao kagabe, sa harap ng madaming tao. Nahihiya ako na kinikilig. nahihiya kasi nasa stage kami pareho at madaming nagvi-video sa amin, kinikilig din. Explain ko pa ba kung bakit? Haha. Happy Monthsary saten. Tapusin mo na blog mo, tulog ka ng tulog.
AKO SI DONNALYN BADOR. 18 years old na pero di ko pa din nakikita yung sarili ko balang araw. Madami akong gusto. Gusto kong maging broadcaster, writer, dj, event organizer, gusto kong buhayin ang Arts sa puso ng bawat isa. Gusto kong maging part ng Theater Organization na nagrerepresent sa buong Pilipinas at ipapalabas sa ibang bansa. Gusto ko pang umarte, madaming roles. Ang dami diba? Kaya habang hindi ko pa nakikita ang sarili ko balang araw, patuloy akong babangon. Hindi lang literal na pagbangon sa umaga, kundi pati rin pagbangon sa anumang pagsubok na haharapin ko habang tinatahak ang buhay na meron ako ngayon. Sa sobrang dami ng blessings ko, tatamarin pa ba akong bumangon?
Ma'am Kaya, di ko po mapiglang magtype. OA na sa sobrang haba pero andami ko pang gustong sabihin. Salamat dito dahil lalo akong ginanahang bumangon. Pero sa ngayon, babangon ako dahil nagugutom na ko. Kaen tayo. Salamat sa pagbabasa!
Masaya ako kapag nakakabasa ng mahahabang blogs, okay lang 'yan. :) Kamusta naman ang Catching Fire? Nagustuhan ba ninyo? :)
ReplyDeleteNakakabitin po Ma'am. Parang ang pinaka-main message lang ng film po e, wala na ung district 12.
ReplyDeleteMa'am @kaya valila pag mahaba po ung post, hindi po ba nakakatamad basahin?
Ang saya ma-inlove noh?!!! :D LALO NA PAG SA LALAKE. TUNAY NA LALAKE. :D <3
ReplyDeleteThis!... T.T
ReplyDeleteI Love You Nak!...
Awwwwwwwwwww :""") Naiyak ako. Love you, Donna! :*
ReplyDeleteAng sweet mo sa family mo Donna! :)) Ang sweet din ng ginawa sayo ni Marko!! :")
ReplyDelete