http://instagram.com/donnabelitahh/

Saturday, December 27, 2014

Konichiwa Japan!




Photo Retrieved from: https://www.facebook.com/visitjapan2010
By January 2015, I'll be posting my experiences in visiting Japan, made possible by Japan International Cooperation Center (JICE) through their program, Jenesys 2.0 Mass Media Program. Watashi wa totemo kōfun shite imasu :D

Tuesday, September 9, 2014

Qualcomm and Hapinoy Team up for the Female Entrepreneurs in the Philippines



 Qualcomm Incorporated, through its Qualcomm® Wireless Reach™ initiative, formed a partneship Hapinoy, a Filipino-based social enterprise that has developed programs for small, neighborhood  retail  stores in the Philippines, run by women microentrepreneurs from their homes. Quite often these microentrepreneurs mothers – or Nanays – who engage in this microbusiness in order to generate additional income and provide financial services to their communities.


MANTOSH MALHOTRA
Senior Director, Business Development Qualcomm Technologies, Inc.


Through the collaboration, micro-business owners are supplied with mobile literacy training, access to capital via microfinance institutions (MFIs), and technology through mobile money operators and technology developers.

 Around the globe, 2.5 billion people lack access to financial services such as banks and credit cards, making it difficult for them to make payments and transfer money1. The Hapinoy Mobile Money Hub project supports micro-entrepreneurs who own and operate mostly home-based stores, known as sari-sari stores. Since its inception, 3,000 of these store owners in the Philippines, mostly mothers have been trained by this program.

The Hapinoy project began with a focus on educating these micro-business owners on how they can  use mobile technology to expand their business. Collaborating with Qualcomm Wireless Reach, Smart, MasterCard and Grameen Foundation, Hapinoy sari-sari owners are able to use dual-sim smart phones powered by Qualcomm® Snapdragon™ 200 processors to access mobile financial services such as mobile money, remittances, and bill and loan payments.


            Hapinoy with its Co-Founder and President , Mark Ruiz  strated this enterprise earlier in 2007 with the vision of sustainably uplifting the lives of those at the base of the pyramid by empowering Nanays to become more effective micro-entrepreneurs, with the goal of eventually harnessing the store network to provide communities access to high impact products. Since inception, the program has trained and partnered with 3,000 amazing Nanay micro-entrepreneurs.

In 2013, the Hapinoy Mobile Money Hub project introduced mobile financial literacy to Hapinoy storeowners. The mobile literacy program helped entrepreneurs view a mobile phone as more than a communication tool – they now understand the business value in owning a smartphone and acquiring a mobile wallet. For these communities, this advanced wireless solution not only increases traffic and revenue for the sari-sari stores, but it also contributes to community growth and allows these Mobile Money Hubs to serve as potential branches for banks, MFIs and other remittance providers.

Mobile technology has the power to change the way we communicate, and interact. It has the power to connect anyone to anything and everyone. And for Hapinoy, it has the power to positively impact the lives of millions of Filipinos. Hapinoy sees mobile technology as the key to continuously empowering Nanay micro-entrepreneurs and the communities they serve. With the connectivity that mobile technology brings, various high impact initiatives, such as financial services can now be made available in the country’s largest distribution channel which is the sari-sari store network. This means that more than ever, financial inclusion is closer to becoming reality for more and more Filipinos.

With this vision, the Hapinoy Sari-Sari Store Program aims not just to train individual store owners, but to create a COMMUNITY OF NANAYS from different parts of the Philippines empowered to run and grow their own sustainable businesses and to build a NETWORK OF STORES capable of providing communities access to financial services and other high impact products through the power of mobile technology.
  



People behind the success of QuallComm and Hapinoy partnership – 3rd from the left, Mr. Mark Ruiz, 3rd from the right, Ms. Pia Roman , Head of Inclusive Finance Advocacy Staff, Bangko Sentral ng Pilipinas and the three Nanays of Hapinoy; Nanay Estela L. De Villa, Nanay Leilani M. Rebong and Nanay Belen F. Jiminez


It’s Because of Them



In our generation, it’s not that often that we see a deep mother and child relationship. Well, maybe a child and Smart phones relationship will do. But not as the old time that we spend and make lots of memories with our parents.

Nobody knows who or what to blame why most of the teenagers now have that power to get easily rid to their parents which tends them to feel disrespected. It seems like it is very easy for the teens to get out of the house and shout for whatever hard feelings they had on that particular scenario. But what’s the epic scene is that, you, we, every one of us will come to the point that we’ll realized that we need our parent. Indeed, we need them very bad.

Parents are not just parent

From the very beginning that we started to breathe here on earth, they become our protector. Our very first doctor, teacher and guidance councilor. They became our feet when we started to walk, they became our mouth when we started to talk and they became our eyes when started to grow.
In every successful man, there’s always a parent who help them to climb up and reach for the success that they dreamed. Even before we start to build our goals, our parents were the one who gives us the knowledge and ideas on what we want to be in the future.

Forever is For Real with Them

We have 2,000 plus friends in our social media world, but maybe it will not reach a hundred plus when we started counting who among them are our real friends. In that hundred plus people, half of it were concerned, half of it were not. And in that range of people, we cannot easily tell who we can trust. But one thing is for sure, your parents are one of them.
Yes, we will be in a relationship wherein we can really feel that we are complete. Wherein you will hear  promises that you guys will be in forever. But if it’s really not meant to be, that promise will be a memory. Unlike with our parents, even though we do not literally hear promises of forever with them, they just do it. From the very start, up until the end. When all else fail, they never will. When your boyfriends or girlfriends screw up with you, your parents will be there to fix you. Even if we get mad to them for many times, they are still there. Willing to listen and still accepting all your flaws and imperfections. They are the one who loves us unconditionally.

Listen and Accept Them

We teenagers usually get annoyed when our parents enter our social life. Especially when they prohibit us for the things that we want to do. When they get mad, many bad thoughts are starting to play in our minds followed by make faces.  But let’s just think, why are they doing that? Parents don’t want anything to harm us, they won’t allow no one to hurt us and they always know what’s the best for us. That answers it all. They invested on us for so long and they don’t want that to be useless.  If they’re getting mad, listen. If they continue to talk and talk and talk, listen. They are just people, same as you. Let them honor their emotions. They will not do that if you’ve done the first wrong move. If you think that they’re not getting your point, talk to them as calm as you can. Because if you still insist on want you want, conversation will never end. You’ll end up losing. Upset. Mad.

Above all, respect them. It’s because of them why you are here. It’s their responsibility to give us the whole world. And our responsibility to respect, love and took care of the world that they built for us.


                                                                                                

Challenge Philippines Triathlon launches new international race
Yellow Cab Pizza takes title sponsorship

Challenge Philippines, the third Asian event of the globally expanding Challenge Family series of events, is expanding its brand footprint with the announcement of a new race set on June 14 next year—Challenge CamSur after  a successful leg last February in Subic Bay and Bataan.

Last 29th of July, Challenge Philippines successfully launched the event and Yellow Cab Pizza takes title sponsorship. Aside from giving triathletes their ultimate racing experience, the Yellow Cab Challenge Philippines will help boost the country’s tourism, generating millions of dollars in revenue.


Second place Michael Murphy talks to champion Matt Burton who finished the race with a recorded time of four hours, 26 minutes, and 53 seconds in pursuit of his 1st place share of the US$ 50, 000 Pro prize purse.  


The new title sponsorship with Yellow Cab Co. for Challenge Philippines and Challenge Camsur, with an initial term of 3 years, will begin immediately. The famous pizza chain has been a long-time supporter of triathlon by supporting its own team, Team Yellow Cab, and many sport development programs, including its support of Challenge Philippines in 2014 as an official partner.

The most recent Challenge Philippines in Subic Bay and Bataan showcased over 729 athletes from 38 countries. Triathletes from different walks of life, including two crown princess of Bahrain, competed in the inaugural race. The race’s broadcast coverage reached over 82 counties worldwide showcasing Philippines as the most desired lifestyle and sports destination.

Challenge Family, owner of the global triathlon series of long and half distance races, is known worldwide for giving the most iconic and beautiful race locations. This is exemplified with the announcement of the new Challenge CamSur.
And David Voth, CEO of Leverage Sports Asia and chairman of Challenge Philippines Race said,  “We are honored to welcome Challenge CamSur as part of the Challenge Philippine’s Family of races. Camsur has a rich tradition and legacy in the sport of Philippine triathlons… With the passion and warmth always evident from the people of Camarines Sur supporting our athletes, it’s just amazing.”
CamSurGov. Miguel Luis Villafuerte supported the upcoming event and he quoted, “We in the province of CamSurare proud to be part of the Challenge Family Global Series and we are looking forward to host the CamSur Challenge triathlon next year as a banner event of Challenge Philippines,”
Villafuerte pointed out that Camsur holds a unique draw when it comes to hosting such international sporting events.
Anna Stroh, event director of Challenge Philippines and Challenge CamSur said: "Giving our athletes an opportunity to compete at highest levels, in awell-organized, safe, and beautiful destinations, is our primary goal.”            
Challenge Philippines Triathlon in Subic Bay and Bataan and Challenge CamSur will be held on Feb. 21 and June 14, respectively.
After registration, all athletes will get the chance to win a year-round season pass to select Challenge Family races including a coveted race kit to Challenge Roth in 2015. The promotion will run for a limited time only. Athletes may register and join through http://bit.ly/30YearsOfRoth.


                                                                                                           






Saturday, August 9, 2014

Para maayos o para matapos?

Hi! Idk kung paano kita makakausap habang andami kong gustong sabihin. Tinatawagan kita, tinetext pero walang reply. Well baka yun yung consequence ko sa nagawa ko sayo. But to be honest, I'm not sorry for what I've done. Kahit na sinabe ko sayo na mahirap para sakin yun, yun yung naramdaman ko. Yun yung sinabe ng puso at isip ko nung tumayo ako. Bigla akong nagalit. Bigla akong nainis. Nakadagdag pa yung mga pinakita mong sugat. Pagod ka nga, ganun pa. Oo naiintindihan kong pagod kana tlaga nung gabing yun. Pero gaya nga ng pilit kong iniinsist, NA MABABAW NA DAHILAN, pagpapahalaga nalang sa minutong nattira yung hinihingi ko. Tapos na, wala na tayong magagawa. Pati yung lakad natin kinabukasan, napurnada.

Ganyan yung naramdaman ko kagabe. Galit. Inis. Asar. -_- Hindi ko alam kung naiintindihan mo pa ko. Kung bakit ko nasabing makasarili ka at kung ano-ano pa. Pero pag si Donna nagalit, lilipas din yan. Kahit gaano pa kalaki yung kasalanan mo, kinabukasan okay na. Lambingin mo lang ako.

Kinabukasan. Nagtext kang hindi kana makakpunta sa date naten. Okaaaaay. Hindi mo sinsagot tawag ko. Kaya nagtext nalang ako na kahit saglit mag-usap na lang tayo. Ayaw mong makipagkita dahil sabe mo, baka makipag-break ka kapag nakita mo ko. </3 First Time ever sa history naten na may nakapagsabi ng ganun (meron man dati, alam naman natin pareho na hindi matutuoy) pero ngayon, iba yungpakiramdam ko. Feeling ko, seryoso ka na dito.

Hindi ako nakakain kakatawag kakatext kakahintay ng reply mo. Inanalyze ko mga nangyare, oo mali ko naman talaga dahil kahit kelan, napakababaw kong tao. Nagtext kang hindi mo na kaya. Na ayaw mo na. Tinanong kita kung yung relasyon ba natin yung tinutukoy mo. Hindi kana nagreply. Pinapunta kita ng bahay, nagbakasakali akong pumayag ka. Hindi din naman.

Hindi ko to tinatype para malaman ng ibang tao. Gusto ko lang malabas yung narramdaman ko. Mahal kita. Kahit nagagalit ako, hindi ko naisip na hiwalayan ka. Pero ngayong sayo na naggaling, baka oras na nga para bitawan na kita. Hindi ko man gusto, masakit man at alam kong hindi ko kakayanin, baka kailangan ko ng gawin kasi mas masakit para sakin ung mahirapan at masaktan ka ng dahil lang din sakin.


Ayaw kong ako ang makpagbreak dahil alam kong hindi ko talaga kaya. Nakihiga lang ako buong maghapon. Inaalala ka. Hindi ko kaya :( Mugtong mugto na yung mga mata ko (hindi pa tayo naghhwalay niyan ah. Ano pa kaya kapag mangyare na? :( ) Nagbukas ako ng radyo, sunod na tumugtog yung let me be the one. Masaya ka pa kaya sakin? Bka kaya hindi mo nasasabe na ayaw mo na dahil iniisip mo yung nararamdaman ko? Huwag. Alam ko naman na alam mo yung mangyayare sakin kapag hiniwalayan mo ko. Hwag mong isipin yun. Gusto ko ngayon, pahalagahan mo ung desisyon mo. Magdecide ka ng hindi kita pinipilit. Dahil mas masasaktan ako. </3 :(

Hindi ko alam kung ano na yung mga tumatakbo sa isip mo. Gusto kong maayos syempre. Yung mga nangyare baka nadala lang ako sa naramdaman ko kaya ko nagawa. Hindi ko kaya. Magmuka man akong desparada sa paningin ng iba, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka MARKO GARLAN :( Hindi ko alam kung paano ipapagpatuloy yung mga araw na darating kapag wala kana sa tabi ko. Kasi lahat ng bagay, lugar at kung ano ano pa, ikaw yung maaalala ko. Ikaw yung nakakakilala sakin ng sobra. Yung tanggap ako. Ayoko ng maghanap ng iba at magsimula ulit. Masaydong malaki yung part mo sa buhay ko. Ikaw na yung buhay ko.

Hwag, hwag kang magpapadala sa mga sinsabe ko. Kung nahihirapan ka na talaga, kung pagod ka na talaga wala na akong magagawa dun. Kasalanan ko naman. Basta ako, nandito lang ako. Kung ano man mging desisyon mo, kung ano man ung matamdmaan mo, tatanggapin ko :) :(


Bukas magkkita tayo para sa thesis. May kasama tayong ibang tao. Hindi ko alam kung kaya ba kitang malapitan bukas. Hindi ko alam kung matatapos ba ung araw nang hindi na tayo nagkaayos. Hindi ko alam. Sana bukas, hindi mugto mga mata ko. Sana magkaayos na tayo.

Tinext kita sabe ko magusap tayo. Sabe mo para saan? Sagot ko, para maayos o para matapos. Binura ko yung para matapos kasi ayokong mangayare. Pero tinype ko ulit siya kasi ayokong maging mkasarili na baka ayaw mo na, pinipilit ko nalang. Isesend ko na, binura ko ulit. Hindi ko talaga kaya baby e. </3 Para maayos sabe ko.  Hindi ka nagreply.


Tapos na to. Ineedit ko nalang yung mga typoerror, bigla kang nag gm. Nasa padis ka pala. Ansaya naman :)

Tuesday, March 4, 2014

Dekonstruksyon sa Tula

SA PAMILIHAN NG PUSO
Ni: Jose Corazon de Jesus

Huwag kang iibig nang dahil sa pilak
pilak ay may pakpak
dagling lumilipad
pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.

Huwag kang iibig nang dahil sa ganda
ganda’y nagbabawa
kapag tumanda na
ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba.

Huwag kang iibig sa dangal ng irog
kung ano ang tayog
siya ring kalabog
walang taong hindi sa hukay nahulog.

Huwag kang iibig dahilan sa nasang
maging masagana
sa aliw at tuwa
pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya...

Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo
at mahal sa iyo
kahit siya’y ano,
pusong-puso lainang ang gawin mong dulo.

Kung ikàw’y masawi’y sawi kang talaga
ikaw na suminta
ang siyang magbata;
kung maging mapalad, higit ka sa iba.

Sa itong pag-ibig ay lako ng puso
di upang magtubo
kaya sumusuyo
pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo.


Pumili ako ng teoryang aakma sa aking napiling tula. Ang tulang ni Jose Corazon de Jesus ay magandang i-analisa sa paraang pinakasimple at mauunawaan dahil na rin sa mga salitang kaniyang ginamit. Kaya naman ang aking teoryang gagamitin ay ang Teoryang Pormalismo. Ayon kay Pama (2013), ang Teoryang Pormalismo ay nagbibigay pansin sa istruktura o pagkabuo ng isng akda. Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag. Ang matuklasan at maipaliwanag ang anyo ng akda ang tanging layunin ng pag-susuring pormalistiko. Ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda. Ang teksto mismo ang pokus sa paggamit ng teoryang Pormalismo.

Sa unang taludtod ng tula, ipinahahayag nito na huwag gawing dahilan ang pilak, o pera upang ibigin mo ang isang tao. Ang pilak ay may pakpak, kaya may kakayahan itong makawala. Maaring nauubos ang pilak habang ito ay lumilipad papalyo.  Kaya mahirap kapag ito ay nawala. Hindi lang ang pilak, kundiang pati na rin ang iyong pag-ibig.

Huwag ding gawing dahilan ng pag-ibig ang ganda. Hindi permanente ang anumang bagay sa mundo. Maaring sa ngayon ay nagagandahan ka dito. Gaya ng nabanggit sa akda, kapag tumanda na ito, ang ganda ay nag-iiba.

Lahat tayo ay may dangal na tinataglay. Ngunit hindi ito maaring maging dahilan upang ibigin mo ang isang tao. Kahit na anong taas nito ay darating din sa punto na ito’y babagsak. Kahit na anong tagumpay ang makamit ng sinong tao, sa huli ay pare-pareho lang na sa hukay ang kalalagyan ng bawat isa sa mundo.

Huwag gawing dahilan ang pagnanasa kung ika’y iibig. Ang pag-ibig ay hindi natin maaring lokohin. Ang sinuman ay dapat ng makuntento sa kaligayahang kanilang natatamasa ngayon.
Kung ang tao man ay iibig, mas mainam na kung sa taong gusto niya talaga at mahal din siya. Dahil kung ganoon ang kanilang nararamdaman ay matatanggap nila ang isa’t-isa kahit ano pang katangian ang kanilang taglay.

Normal lang ang masaktan dahil sa pag-big. Kung ikaw ay nasaktan, wala ka ng magagawa dito. May ilan din naming mapapalad na hindi nasasawi dahil dito.

Ang pag-ibig ay maaring ipagkaloob ng kahit na sino. Hindi para mahirapan, kaya tayo nanunuyo. Kung ikaw ay iibig, kailangan mong magtiis.


Sa kabuuhan, malalim ang ibang salitang ginamit sa tula. Ito ay tumatalakay sa mga dahilan kung bakit madalas na umiibig ang isang tao, ngunit sa paraang hindi naayon o tama. Binigyang linaw ng tula ang mga dahilan kung bakit hindi natin dapat ginagawang dahilan ang mga bagay na nabanggit kapag tayo ay iibig.

Sources:
http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/sa-pamilihan-ng-puso.html

Tuesday, February 18, 2014

MINSAN SA INTRAMUROS

We travel, initially to lose ourselves; and we travel, next to find ourselves – The Idealist

Isa ako sa mga magpapatotoo sa mga katagang ito. Hindi ko man nahanap ang sarili ko, nahanap ko naman ang isang pundasyong nagbibigay kulay sa bansang kinabibilangan ko ngayon. Napupuno man ng mga gwardya ang lugar na ito, hindi naman nakulong ang mga emosyong nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Nakatutuwa at nabigyan kami ng pagkakataon na mapuntahan ang isa sa mga itinuturing na makasaysang lugar sa ating bansa, ang INTRAMUROS.







Kilala din sa tawag na The Walled City, hango sa salitang Latin na “Within the Walls”. Hindi naman nakapagtataka kung bakit iyon ang itinawag sa kanya. Napapalibutan ito ng mga batong hinango sa mga bulkan dahil noong unang panahon ay nagsisilbi itong pananggalang sa mga gyera.



                                                   Manila Cathedral Church


                                                    San Agustin Church

Una naming naging destinasyon ang simbahan ng Manila Cathedral. Bukod sa ito ang una mong makikita ay nakaagaw-pansin din ang makalumang istraktura ng simbahan. May pitong simbahang matatagpuan sa loob ng Intramuros ngunit nang dumating ang World War II ay dalawa na lamang sa pitong ito ang natira. Isa na rito ang Manila Cathedral, at ang isa pa ay ang San Agustin Chuch na aming sunod na pinuntahan. Hindi man kami nakapasok sa loob ng simbahan ng San Agustin dahil may isang kasalan na nagaganap ay nakasisigurado naman kami na napakaganda ng disensyo sa loob nito. Masasabing isa ito sa pinakamagandang simbahan na maari mong pagdausan ng isa sa pinakamahalagang pangyayari ng iyong buhay gaya na lamang ng pagpapakasal.




                                    Memore Manila Monument, Anda Street Intramuros Manila


Sunod mong madaraanan ang isang monumentong inialay sa mga nasawi noong gyera. Napalilibutan ito ng mga bulaklak at kapansin-pansin na walang tigil ang pagpunta ng mga tao sa lugar na ito. 









Masasabing habang naglalakad ka sa Intramuros (nasa isang partikular na lugar ka man o kahit sa kalsada lang) ay mararamdaman mong malayo ka sa lugar na iyong kinagisnan. Tila ba binalik ang iyong mga paa sa mga daanan noong unang panahon. Hindi mga modernong bahay ang iyong makikita saan ka man lumingon kundi mga bahay na gawa sa kahoy at literal na mga bato.


                                          Tradewinds Books and Silahis Center, Intramuros


Sunod naming pinuntahan ang Tradewinds Books and Silahis Center. Kung naramdaman mo na, na bumalik ka sa unang panahon habang ikaw ay nasa kalsada pa lang, sa oras na pumasok ka sa loob ng lugar na ito ay may maririning kang nakakabinging katahimikan na magbibigay sa iyo ng pakiramdam na tila ba ikaw ay nakulong sa kawalan kung saan puro makalumang bagay at kagamitan ang iyong matatagpuan. Iba't-ibang bagay na inukit sa kahoy ang kanilang binebenta dito. Nakakatuwa dahil parang ikaw ay nasa loob lamang ng isang malaking bahay dahil ang pagkakadisensyo nila ng mga paninda ay nakaayon sa mga parte ng isang bahay.




Matatagpuan sa unang palapag ang kusina, gawaan ng mga plato at ang sala. Sa itaas na bahagi naman ay iba't-ibang disensyo ng mga kwarto at mga ipinintang larawan.




Napagod sa paglilibot ng mala-mansyong bahay? Huwag mag-alala, may mga upuang kahoy ang naghihintay saiyong paglabas.


National Commission For Culture and the Arts Building, General Luna St. Intramuros Manila


Dahil ako ay myembro ng UCCA, hindi na bago sa akin ang temang "Art on the Edge" ng National Commission For Culture and the Arts o NCCA. Kaya naman napatakbo ako ng makita ko ang gusaling ito at syang gulat ko ng malaman kong dito pala ito matatagpuan. Iyon nga lang, hindi kami pinalad na makapasok sa loob nito dahil wala naman kaming pakay o sadya sa mismong opisina.



                                              Statue of King Carlos IV of Spain in Plaza de Roma



Totoong kapag nakakaramdam ka ng saya ay hindi mo namamalayan ang oras. Mula sa maliwanag na kalangitan ay napalitan na ito ng mga maliliit na bituin na magandang pagmasdan sa Intramuros. Nagpahinga kami saglit dito sa plaza kung saan matatagpuan ang monumento ni King Carlos IV nang nakaramdam na kami ng pagkalam ng tyan. Mahangin. Malamig. Kaya naman bigla akong naghanap ng kape. Kahit ano, basta mainit. Marami kaming pinuntahang makakainan ngunit karamihan sa mga ito ay maagang nagsara. (Probinsyang probinsya ang dating) At muli nanaman naming binaybay ang Intramuros.


Mabuti na lamang at may nagmagandang loob na nagturo sa amin kung saan kami maaring makahanp ng makakainan. Tinanong ko din ang gwardyang ito kung hindi ba siya naiinitan sa sumbrerong suot niya buong araw. "Ayos lang naman", ang sabi niya. Kaya sinamantala ko na at hiniram ang kanyang sumbrero.

Ristorante Delle Mitre, General Luna St. Intamuros, Manila

Sa wakas ay nakahanap din kami ng makakainan at swerteng may kape din silang itinitinda. Moderno ang kanyang istilo sa labas, ngunit kapag ika'y pumasok sa loob ay nanatili ang lugar sa makalumang panahon. Kumpleto ang kanilang mga inihahain sa kanilang mga mamimili. May pang-agahan, kanin at ulam, mga panghimagas at iba't-ibang inumin. 


Mango Cream Cheese Cake + Chocolate Brownies + Cafe Americano = Ayos :)





Kulang ang isang araw upang malibot ang buong Intramuros, ngunit maswerte pa rin kami dahil naranasan namin ang masayang kaganapang ito. Bukas makalawa, sa mga susunod na taon pa, hindi ako magdadalawang isip na bumalik sa lugar na ito upang bumuo muli ng mga panibagong masasayang karanasan at di malilimutang alaala.



Hindi mo mararamdaman ang pagod basta't masaya ka at gusto mo ang ginagawa mo. Hanggang sa muli Intramuros!

Wednesday, January 29, 2014

SOON TO BE...



                                       1st Batch of PUPCET 2014 takers at PUP Freedom Park.
                                                          Photo Taken: Januray 25, 2014

Wednesday, January 22, 2014

BABALIK KA RIN

Trycicle, dyip, bus, bisikleta, tren at kung anu-ano pang pampublikong uri ng transportasyon. Hindi na iba sa ating mga Pilipino ang sumakay sa mga sasakyan na ito araw-araw. Kung hindi naman gaanong kalayuan ang iyong pupuntahan, tiyak na makakatulong ang mga sasakyang ito. Ngunit paano kung napag-desisyunan mong magpunta sa ibang bansa? Dito na natin tatawagin ang tulong ng Eroplano. Isa din sa mga pampublikong transportasyon na madalas ding ginagamit ng mga Pilipino sa paglabas at pagbalik ng bansa.
Dito sa Pilipinas ay marami tayong mga paliparan na bukas para sa lahat. Isa na sa pinaka-nagagamit ay ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Dahil nga sa isa ito sa mga lugar na hindi nawawalan ng mga pasahero sa bawat araw ay hindi na rin nakapagtataka na ang mga kagamitan at ang mismong lugar ay niluma na ng mga taong gumagamit nito. Hindi na biro ang tatlumpu’t dalawang taon ng pagkakatayo nito dito sa ating bansa. At sa tatlong dekada na ito ay hindi rin gaanong napapansin ng kinauukulan ang mga imprastraktura na maari na lang bumagsak sa ating harapan kapag tayo ay nasa nasabing lugar. (GMA News, gmanetwork.com)

Kung nakakapagsalita lamang ang NAIA Airport, marahil ay samu’t saring hinaing na ang ating maririnig dito. Kaya naman ako ay lubusang natuwa nang malaman ko na magsisimula na rin sa wakas ang pagsasa-ayos ng pasilidad at mga sirang kagamitan sa nasabing paliparan. Kung matatandaan natin ay binansagan ang NAIA Terminal 1 bilang “World’s Worst Airport ” noong 2011 na nagpatuloy hanggang 2013. Ngayong 2014, sa palagay ko ay atin ng bibitawan ang bansag na ito sapagkat naglaan ang gobyerno ng  P1.299 bilyong piso sa rehabilitasyon ng nasabing lugar. Simula bukas, January 23 ay magsisimula na ang DMCI Corporation sa pagsasa-ayos nito. (GMA News, gmanetwork.com)



Hindi natin kailangang makarinig pa ng mga reklamo tungkol sa hindi pagkakaroon ng de-kalidad na pasilidad, mas maayos na imprastraktura at mga gumaganang kagamitan bago natin gawan ng aksyon problemang ito. Totoong maraming mga ibang bagay at lugar pa ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno gaya ng pagsasa-ayos ng mga nasirang imprastraktura at daan dulot ng iba’t-ibang kalamidad, ngunit totoo rin na kailangang bigyang pansin ang pagpapa-ayos ng NAIA Terminal 1. Isipin na lang natin na ang ating mga paliparan ang pintuan ng ating bansa. Hindi lamang tayong mga Pilipino ang nakakakita at gumagamit ng lugar na ito kundi pati na rin ang ibat-ibang mamamayan mula sa iba’t-ibang lugar. Kung ganoong klase ng pasilidad ang maaabutan nila, mga surveillance camera na bilang lang ang gumagana, mga masikip na daanan ng mga sasakyan, mga sirang palikuran at marurupok na mga kisame , mababanggit pa kayan nila ang mga salitang “It’s more fun in the Philippines?” Baka ito pa ang maging dahilan kung bakit hindi na sila muli pang bumalik dito sa ating bansa. (abs-cbnnews.com)
Kung talagang minimithi ng ating Pangulo ang matuwid na daan, dapat lang na hindi mga literal na daan ang bigyang pansin nito. Nararapat na maibalik ang dating larawan at magandang imahe ng isa sa mga matayog na paliparan dito sa ating bansa. Sadyang hindi madaling matapos ang pagsasa-ayos dito. Likas naman sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng malikhaning utak. Kung maiisipan man ng gobyerno at kung paglalaanan ng mas malaking pondo, hindi malayong mabaliktad ang bansag sa atin na “world’s worst airport” sa “world’s most beautiful airport.” Anong malay natin hindi ba? Hindi masamang mangarap lalo kung ikabubuti ng ating bansa. Ngunit sana hindi lang hanggang pangarap, kumilos din nawa ang mga taong responsable sa bagay na ito. Tayo bilang mga Pilipino ay tiyak na masisisyahan sa oras na dumating ang araw na tayo na mismo ang gagamit sa paliparang ito.




                                              retrieved from: http://www.gmanetwork.com/news/story/341084/economy/companies/dotc-awards-naia-1-rehab-to-dmci-gives-dec-1-2014-deadline JANUARY 22, 2014




SOURCES:






Tuesday, January 7, 2014

VIDEO BLOG


Hi! Nakakahiya tong video ko. Pero nag-enjoy akong gawin :D Emzori for the face and the voice :D HAHAHA. Epic pa, nakanganga. HAHAHA